Napakasarap naman talagang bumiyahe kasama ang iyong minamahal. Yung tipong magkayakap kayo sa bus o sa jeep o magkahawak kamay habang pinagkukuwentuhan ninyo yung mga bagay-bagay na makikita sa daan. Di ko tuloy mapigilan na maalala yung mga araw na sabay kami mag-biyahe ni Jazzie. Kulitan sa bus at kuwentuhan sabuong duration ng biyahe. Kami kasi yung tipo ng magkasintahan na lahat ay napagkukuwentuhan, at mahilig kaming magbuo ng mga kuwento sa mga nakikita namin. Minsan nga muntik na kami mapaaway kasi may pinagtawanan siyang isang pasahero dahil ang baduy daw pumorma. Buti na lang at napaniwala namin yung babae na hindi naman siya yung pinag-uusapan namin. Pareho kaming estudyante ni Jazzie sa isang unibersidad sa Maynila, kaya tuwing uuwi kami sa Batangas, palagi ko siyang sinusundo sa inuupahan niyang boarding house sa Makati. Tuwing pupunta ako sa kanila ay buong lugod akong tinatanggap at pinapapasok ng kanyang mga pinsan. Kasama kasi niya ang mga pinsan niya sa boarding house. Madalas kong maabutan doon si Nerisa, ang makulit at kikay na pinsan ng aking girlfriend. Madalas kapag pumupunta at tumatambay ako sa kanila, lagi kaming tampulan ng tukso mula sa kanya. Lagi niyang tinatanong kung kailan daw kami magpapakasal at ginagantihan naman namin siya ng kailan naman siya magkaka-boyfriend. Ganoon ang naging takbo ng relasyon namin ni Jazzie, palagi kaming magkasama o kung hindi man palagi ay madalas na kapiling namin ang isa’t-isa, hilig din kasi namin ang gumala. Aspiring photographer kasi ako, kaya gusto namin puntahan yung mga lugar kung saan pwede kami magpicture-picture. Syempre […]
↧